^

Bansa

US naduwag sa eskapo ni Al-Ghozi

-
Naduwag ang pamahalaang Estados Unidos sa nakatakdang pagbisita ni US President George W. Bush sa Pilipinas dahil sa naganap na pagtakas ni Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi at dalawa pang kasamahan nito sa detention cell ng PNP-Intelligence Group.

Ito ay matapos na irekomenda ni US National Security Adviser Condoleeza Rice sa Washington na huwag nang ituloy pa ang state visit ni US Pres. Bush sa bansa kaugnay sa usaping pangseguridad.

Sinabi ni Rice na hindi tiyak ang kaligtasan sa Pilipinas ng kanilang Punong Ehekutibo.

Matapos na madismaya sa naganap na pagpuga ng tatlong terorista, may hinala ang Estados Unidos na nakipagsabwatan ang mga pugante sa ilang tiwaling opisyal ng Philippine National Police upang maisakatuparan ang planong pagtakas.

Kaugnay nito, agad namang pinakilos ng Malacañang si Foreign Affairs Secretary Blas Ople upang sagutin ang mga naging pahayag ni Rice laban sa Pilipinas.

Umalma ang Malacañang sa naging pahayag ni Rice na kanselahin na lamang ang takdang pagbisita ni US Pres. Bush dahil sa hindi ligtas ang bansa.

Sinabi ni Presidential spokesman Ignacio Bunye na maituturing na undiplomatic ang naging pahayag ni Rice at mariin itong tinututulan ng Malacañang. (Ulat ni Ely Saludar)

ELY SALUDAR

ESTADOS UNIDOS

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

IGNACIO BUNYE

INTELLIGENCE GROUP

MALACA

NATIONAL SECURITY ADVISER CONDOLEEZA RICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with