^

Bansa

Firing squad sa nagpatakas kay Al- Ghozi - KAISMA

-
Nanawagan kahapon ang multisectoral group Kapatirang Isip Malaya (KAISMA) na dapat iharap sa firing squad ang mga napatunayang sangkot sa pagtakas ng Indonesian terrorist na si Fathur Rohman Al-Ghozi at dalawang kakutsabang miyembro ng Abu Sayyaf na parehong responsable sa Dec. 30, 2000 bombings sa Metro Manila.

Ayon kay KAISMA spokesman Isagani Diwanag, malaki ang posibilidad na "inside job" ang pagtakas ni Al-Ghozi na kasapi ng Jemaah Islamiyah regional terrorist group at ng dalawang miyembro ng Abu Sayyaf na sina Abdulmukin Ong Edris at Omar Opik Lasal alyas Merang Abante.

Inihayag ng KAISMA na imposibleng makatakas sa maximum detention ng Camp Crame ang mga umaming terorista kung walang kasabwat sa loob ng naturang kampo, at kung walang kapalit na malaking halaga.

"Tulad ng mga big-time drug pushers at corrupt government officials, dapat ay iharap sa firing squad ang sinumang may kinalaman sa pagtakas ng tatlong teroristang kumitil ng maraming inosenteng buhay," pahayag ng KAISMA.

Sinuportahan ng KAISMA ang "shoot-on-sight order" ni PNP chief Director General Hermogenes Abdane Jr. laban sa mga nakawalang terorista, kasabay ng panawagan sa mamamayan na maging mahinahon at makipagtulungan sa mga awtoridad.

Binigyang-diin ng KAISMA na kailangang magpamalas ng political will ang gobyerno sa pagsugpo ng katiwalian sa lahat ng sangay nito upang manumbalik ang tiwala ng taongbayan.

ABU SAYYAF

CAMP CRAME

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES ABDANE JR.

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

ISAGANI DIWANAG

JEMAAH ISLAMIYAH

KAPATIRANG ISIP MALAYA

MERANG ABANTE

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with