Dagdag benepisyo sa mga OFWs
July 14, 2003 | 12:00am
Magkakaroon ng dagdag na benepisyo ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) nang hindi mababawasan ang kanilang tinatanggap na suweldo.
Ayon sa Dept. of Labor and Employment (DOLE), dadagdagan ng Overseas Welfare Administration (OWWA) ang kanilang kontribusyon sa mga insurance ng mga OFWs.
Mula sa P87.50 ay gagawin ng P165 ang ibinabayad na Insurance Benefit Program Fund (IBPF) ng OWWA.
Ang karagdagang benepisyo ay kasunod ng pag-apruba ng OWWA Board of Trustees sa Board Resolution No. 027, series of 2003 na naging epektibo noong Hulyo 1.
Sa mga land based OFWs, ang death benefits ay magiging P100,000 na mula sa P70,000 kapag nasawi ang mga ito sa natural na dahilan samantalang itinaas naman sa P200,000 mula sa P120,000 ang benepisyo ng OFW na mamamatay sa aksidente.
Para sa mga sea based workers, ang natural death benefits ay itinaas ng P100.000 mula sa dating P45,000.
Kapag nasawi naman dahil sa aksidente, makakatanggap ng P200,000 ang pamilya ng manggagawa na mas malaki kung ikukumpara sa P70,000 na ibinibigay sa mga ito noon.
Makakatanggap pa ng karagdagang P20,000 ang pamilya ng biktima para sa burial expenses o pagpapalibing nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am