Lalaki pinugutan sa relihiyon
July 14, 2003 | 12:00am
Dahil sa mainitang pagtatalo sa relihiyon, isang lalaki ang tinagpas ang ulo ng kanyang kainuman kahapon sa Sitio Canumay, Brgy. Manguero, San Andres, Quezon.
Ang biktimang kinilalang si Antonio Quimbo, 40-anyos, ay masugid umanong miyembro ng Catholic Charismatic Group na El Shaddai sa pamumuno ng evangelist na si Mike Velarde.
Iginigiit umano ng suspek na mas tama ang kanyang relihiyon at binabara siya ng biktima sa pagtatanggol ng kanyang pananampalataya.
Nairita diumano ang suspek na si Eugenio Cumilang, 32, kaya hinalibas ng ilang ulit ng jungle bolo si Quimbo hanggang sa mapugot ang ulo nito.
Ayon sa report ni PO3 Paterno Arrabis, may hawak ng kaso, ng San Andres Police, dakong alas-11 ng umaga habang nag-iinuman ang biktima at suspek sa bahay ng isang Guillermo Damayo, nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa tungkol sa kani-kanilang relihiyon.
Ayaw patalo ng biktima sa suspek na laging iginigiit na mas matatag ang kanilang relihiyon kaysa sa relihiyon ng una na El Shaddai.
Dahil dito, nairita at napundi ang suspek. Bunga ng matinding kalasingan ay hindi na ito nakapagtimpi at kinuha nito ang jungle bolo na nakasabit sa dingding at walang habas na pinagtataga ang biktima.
Mabilis na inireport sa himpilan ng pulisya ang insidente kaya nang magresponde ang mga pulis ay nadakip si Cumilang habang pinipigil si Damayo na kasama ng mga ito sa inuman para sa masusing imbestigasyon. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest