Sa pag-aaral ni Dr. Corazon del Mundo ng University of the Philippines (UP) Population Institute bunsod sa isinagawang Youth Forum on Population Day, karamihan na umano sa mga kabataan ngayon ay nakikipagtalik na sa kanilang kaparehong kasarian o same sex.
Lumalabas umano sa pag-aaral na 11 porsiyento ng 16.5 adolescent ay mayroong pre-marital experiences sa katulad nilang kasarian.
Ayon pa kay Dr. del Mundo, base sa isinagawa nilang survey noong taong 1994, karamihan sa mga kabataan dito ay umamin na mayroon silang atraksyon sa kabaro nila at karamihan ay boy-to-boy relationship.
Subalit sa taong ito lumalabas na hindi lamang umano atraksyon ng nangyayari sa halip ay nagkakaroon na ng pakikipagtalik ang mga ito sa kanilang mga kabaro.
Samantala, base naman sa Commission on Population na maaari pa ring mapigilan ang mga kabataan sa ganitong klase ng pamumuhay kung mabibigyan ng tamang impormasyon at kakausapin ang mga ito.
Nabatid pa na tumaas ng 1/5 ng Philippine Population ang adolescent mula sa edad na 15-24 ngayong taon na tinatayang umaabot na sa 82 million population.
Mabilis umano ang pagtaas ng populasyon at maaari pang lumobo dahilan sa maagang pagpasok ng kabataan sa pre-marital sex na nauuwi sa pagbubuntis. (Ulat ni Gemma Amargo)