^

Bansa

FVR pinapatahimik ni Gloria

-
Pinatitigil na ni Pangulong Arroyo si dating Pangulong Fidel Ramos at lahat ng lider ng partidong Lakas sa pagbibigay ng anumang mga pahayag tungkol sa isyu ng pagtakbo niya sa darating na eleksiyon.

Inatasan ng Pangulo si Presidential Adviser on Political Affairs Nani Braganza na patahimikin ang lahat ng lider ng Lakas kabilang si Ramos.

Ayon kay Braganza, nakausap na nito sina Presidential Adviser for Migrant Workers Heherson Alvarez at Presidential Liason for Political Affairs Joey Rufino.

Ang dalawa ang pangunahing nagpahayag na maaaring tumakbo ang Pangulo sa 2004 presidential elections.

Samantala si Ramos ay gustong magdesisyon ang Pangulo bago ang State of the Nation Address o SONA.

Gayunman, hindi direktang masagot ni Braganza na hindi na kakandidato ang Pangulo at sa halip ay gusto nitong huwag nang pag-usapan ang isyu.

Samantala, inamin ni Braganza na hindi maaaring pigilan si First Gentleman Mike Arroyo sa pagsasalita sa pagkandidato ng Pangulo dahil hindi naman ito miyembro ng Lakas-NUCD. (Ulat ni Ely Saludar)

BRAGANZA

ELY SALUDAR

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

LAKAS

MIGRANT WORKERS HEHERSON ALVAREZ

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG FIDEL RAMOS

POLITICAL AFFAIRS JOEY RUFINO

PRESIDENTIAL ADVISER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with