Ito ang iginiit kahapon ni House Speaker Jose de Venecia sa layuning pag-usapan kung sino sa kanilang dalawa ang magiging standard bearer ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) sa presidential election sa 2004.
Nilinaw ni de Venecia, national co-chairman ng Lakas-CMD na hanggang sa kasalukuyan ay naghahanap pa rin ng standard bearer ang NPC at posibleng sa Agosto pa nila ihayag kung sino ang mapipili.
Inamin din ng Speaker ang posibilidad na magkaroon ng breakaway group sa koalisyon sa sandaling ihayag na ang pinal na kandidato sa pagka-presidente.
Ipinaliwanag ni de Venecia na bawat partido sa koalisyon ay may kanya-kanyang manok na napipisil para gawing standard bearer at siguradong aalis ang mga ito sa koalisyon kapag hindi napili ang kanilang kandidato.
Pero nilinaw nito na malakas at matatag ang NPC at hindi ito magko-collapse kahit na may mga miyembro pang umalis sa grupo.
Maliban kay Arroyo at Cojuangco, kasama sa posibleng pagpilian sina Senators Ramon Magsaysay Jr. at Juan Flavier, Raul Roco at Vice President Teofisto Guingona. (Ulat nina Malou Escudero)