LTO hindi iiwan ni Lastimoso
July 11, 2003 | 12:00am
Hindi aabandonahin ni Land Transportation Office (LTO) Chief Roberto Lastimoso ang kanyang tanggapan sa kabila ng pagkakaroon ng Executive Order mula sa Malacañang dahil hindi pa umano inaaprubahan ni Pangulong Arroyo ang kanyang dalawang linggong hinihinging bakasyon.
Sa ginanap na press conference kasama ng launching ng Computerized Drug Testing Center ng Professional and Innovative Systems Management (PRISM) at LTO TXT 2920 sa Quezon City, sinabi ni Lastimoso na kasalukuyang maganda naman ang kanilang relasyon ng Palasyo kaya dapat lamang umano na ituloy nito ang magagandang layunin na kanyang nasimulan mula ng maging hepe ng LTO.
"Hanggat hindi tinatanggap ng Pangulo ang aking leave of abscence, hindi ko iiwan ang aking posisyon sa halip ay itutuloy ang pagseserbisyo sa publiko," ani Lastimoso.
Samantala, pormal ding nailunsad kahapon ang makabagong sistema ng PRISM sa pag-iisyu ng drug test result ng mga motoristang kukuha ng lisensiya.
Hindi na magagawang makapanloko ng mga drivers na sasailalim sa drug test para palitan ang kanilang pagkatao o pagpapalit ng urine samples dahil may litrato na ng aplikante ang naturang drug test result, ang kauna-unahang computerized photograph para dito.
Ayon kay Danny Ramos, pangulo ng PRISM, layunin nito na maiwasan ang "non appearance" ng mga aplikante na gustong mag-renew at kumuha ng kanilang lisensiya.
Sa paraang ito ay kukunin ang buong pagkakakilanlan ng bawat aplikanteng sasailalim sa drug test ng mga drug testing center at dadalhin ang orihinal na kopya sa tanggapan ng LTO upang i-authenticate.
Kahapon ay inilunsad din ang LTO TXT 2920, kung saan ay maaari nang magreklamo at magtanong ang mga aplikante sa tanggapan ng LTO sa pamamagitan ng text messages. Kailangan lamang i-type ang LTO >space> message at I-send sa 2920 (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest