Dahil dito, malabong masunod ang taning ni dating Pangulong Ramos na dapat July 21 ay ilabas ang pinal na listahan ng standard bearer ng partido para sa 2004. Nilinaw ni Braganza na ang selection committee ng Lakas ay hindi lang naka-sentro sa presidential race dahil kasama dito ang vice presidential, senatorial at local positions.
Nauna rito, inihayag ni Ramos na dapat ay maagang magdesisyon si Pangulong Arroyo kung kakandidato o hindi ito sa 2004 elections at ideklara na bago ang State of the Nation Address. (Ulat ni Ely Saludar)