Sa isang pahinang resolution na ipinalabas ng SC, sinabi nito na walang karapatan si Atty. Allan Paguia na pagpaliwanagin ang mga SC justices hinggil sa unang ipinalabas na desisyon nito kaugnay sa legalidad ng pagkapangulo ni Gloria Macapagal-Arroyo.
Ipinaliwanag ng SC na lumalabag na si Paguia sa sinumpaan nitong katungkulan bilang isang abogado at maituturing na ring paglabag sa Judicial conduct ang pangangahas nitong pagpaliwanagin ang mga mahistrado ng SC.
"The issue regarding the legality of Arroyo Administration is already 2 1/2 years passed and cant be re-open just for the letter submitted by Atty. Paguia," ani pa ng SC resolution.
Si Paguia ay una nang sumulat sa mga mahistrado ng SC, kung saan hiniling nito na ipaliwanag ng mga ito kung bakit naging legal ang pagkapangulo ni Presidente Arroyo.
Binigyang-diin pa rin ng SC na dinidinig pa sa Sandiganbayan ang nasabing usapin kung kaya hindi dapat na pabuksan ito ni Atty. Paguia sa SC.
Maituturing na "forum shopping" o paghahain sa ibat ibang korte ng isang usapin ang ginagawang pagsasampa ng motion o ano mang uri ng liham ni Paguia at ito ay labag sa batas,
Bunga nito, ibinasura lamang ng SC ang kahilingan ni Paguia na buksan at pag-usapan muli ang legalidad ng kasalukuyang administrasyon.
Binalaan din ng SC si Paguia na hindi ito mangingimi na patawan ng contempt of court kapag muli itong lumiham sa SC tulad din ng nilalaman sa naunang sulat nito. (Ulat ni Grace dela Cruz)