Auditors ng CoA aarmasan
July 9, 2003 | 12:00am
Dahil sa dami ng death threats na natatanggap ng mga auditors ng Commission on Audit (CoA), hiniling ng mga ito na magdala na rin sila ng sandata.
Iginiit ni Rodolfo Uy, ng General Sevices na siyang tagapamahala ng seguridad ng mga kawani ng CoA, kay CoA Chairman Guillermo Carague na dapat tulungan ang mga auditors na matutong humawak ng baril bilang depensa sa magtatangka sa kanilang buhay bunga na rin sa kritikal na trabaho ng mga ito matapos na makatuklas ng mga anomalya sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan.
Isa sa mga auditor ng CoA na pinaniniwalaang pinatay dahil sa isinagawa nitong auditing sa anomalya sa Tobacco excise tax ay si Augustin Chan, ng Ilocos Sur.
Niliwanag ni Uy na ang kanyang mungkahi ay bahagyang kasagutan sa tanong ng publiko at media sa proteksyong ibinibigay ng CoA sa kanilang mga auditors. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest