Dante Ang binigyan ng 15 araw ultimatum ng BI

Pinagpapaliwanag ng Bureau of Immigration si dating Presidential publicist Dante Ang makaraang sampahan ito ng deportation complaint kaugnay sa napabalitang isa siyang Chinese citizen.

Nagbigay ng 15-araw na ultimatum ang BI upang magsumite ng kanyang komento o paliwanag sa deportation complaint na isinampa laban sa kanya ni Atty. Melanio Maurico.

Sinabi ng BI na kailangan munang makapagbigay ng paliwanag si Ang bago ito tuluyang isailalim sa deportation proceedings. (Ulat ni Grace A. dela Cruz)

Show comments