^

Bansa

Suspensyon ng warrant of arrest sa MILF leaders ok sa Malacañang

-
Upang ganap na maisulong ang nakabiting negosasyong pangkapayapaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF), pormal na inihayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bukas ang pamahalaan sa suspensyon ng warrant of arrest laban sa mga lider ng nasabing rebeldeng grupo.

Sa talumpati ng Pangulo kahapon sa ika-27 pangkalahatang pulong ng Catholic Bishops Conference of the Phils. (CBCP), sinabi nito na ang nasabing hakbangin ay isang paraan para magtiwala ang MILF sa prosesong pangkapayapaan na inilatag ng gobyerno.

Gayunman, kailangan aniya na huwag nang pabagalin pa ng MILF ang pagsisimula ng negosasyon sa pagkuwestyon sa mga isyung may kinalaman sa proseso ng pulong.

Maraming abogado at tagapayong legal, anang Pangulo ang MILF na kumukuwestiyon sa mga isyung may kinalaman sa proseso ng negosasyon.

Ang anunsyo ng Pangulo ay kasunod sa naging pahayag ng MILF na hindi sila makikipag-usap sa gobyerno hanggang hindi tinatanggal ang pagsisilbi ng arrest warrant sa kanilang mga matataas na lider na sina MILF Chairman Hashim Salamat; Ghazali Jaafar, MILF Vice Chairman for Political Affairs; Murad Ebrahim, Vice Chairman for Military Affairs; Alih Mumbantas, Vice Chairman for Internal Affairs at MILF spokesman Eid Kabalu. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ALIH MUMBANTAS

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILS

CHAIRMAN HASHIM SALAMAT

EID KABALU

GHAZALI JAAFAR

INTERNAL AFFAIRS

LILIA TOLENTINO

MILF

PANGULO

VICE CHAIRMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with