Ayon sa source sa DOJ, kukunin si Pitoi Moreno, isang sikat na couturier , ng 15 mahistrado na siyang gagawa ng kanilang black robe.
Gayunman, ayon kay SC Clerk of Court Atty. Luzviminda Puno, walang katotohanan ang nasabing ulat at hindi aniya naghahangad ng magarbong robe ang mga mahistrado ng SC. Aniya, sa J.D. Lawrence lamang kumukuha ng ordinary at special robe ang mga mahistrado na nagkakahalaga lamang ng mababa sa P5,000. Ang ordinary robe ay ginagamit ng mga mahistrado kapag nagsasagawa ng session at oral argument habang ang special robe ay kapag nagdiriwang ng centennial celebration ang SC kung kaya wala umanong dahilan upang magpagawa sila ng mamahaling robe sa isang kilalang couturier. (Ulat ni Grace Amargo)