^

Bansa

Kasong kriminal vs Rizal bombers isinampa na

-
Pormal nang isinampa ng Department of Justice sa mababang hukuman ang kasong kriminal laban sa mga suspects sa Rizal Day bombing.

Sinampahan ng mga kasong multiple murder at frustrated murder sa Manila Regional Trial Court ang mga suspects na sina Fathur Rohman Al Ghozi, Muklis Yunos at mga kasamahan nitong sina Alim Pangalian, Solaiman Abubakar Bafana Faiz, Isamuddin Riduan, Zalanf Paks, Salman Moro, Ustad Said at Mahammad Amir.

Ayon kay State Prosecutor Peter Ong, naging malaking ebidensya sa mga suspects ang ginawang pag-amin ni Muklis sa harapan ng prosecution na siya ang naglagay ng bomba sa loob ng Light Rail Transit-Coach 3 noong Disyembre 30,2000 habang si Al-Ghozi ang siyang gumawa umano ng bomba at naglagay ng mga wirings. Ginamit ding ebidensya ng prosekusyon ang isang passenger manifesto ng Malaysian Airlines flight MH-0704 na dumating sa Maynila noong Disyembre 1,2000 na nagpapatunay na plinano ang pagpapasabog ng mga suspects.

Nadakip si Al-Ghozi matapos na makuhanan ito ng malalakas na pampasabog kung kaya tanging illegal possession of explosives ang unang naisampa laban dito kasunod ay nahuli rin si Muklis sa Cagayan de Oro Airport makaraang makuhanan ng malalakas na uri ng pampasabog at kalibre ng baril. (Ulat ni Grace Amargo)

AL-GHOZI

ALIM PANGALIAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISYEMBRE

FATHUR ROHMAN AL GHOZI

GRACE AMARGO

ISAMUDDIN RIDUAN

LIGHT RAIL TRANSIT-COACH

MAHAMMAD AMIR

MALAYSIAN AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with