Qurantine bill uunahin ng Kongreso
July 5, 2003 | 12:00am
Tulad ng pinangangambahan ng ilang Kongresista, hindi lamang ang kinatatakutang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) ang tatama sa Pilipinas kaya mamadaliin ng Kongreso ang pagpasa ng quarantine bill sa sandaling bumalik ang sesyon sa Hulyo 28.
Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, awtor ng panukala, nagkatotoo ang kanyang sinabi na may mas matindi pang bagong sakit ang dapat na paghandaan ng gobyerno katulad ng Japanese encephalitis B na nagmula sa Guandong, China na napabalitang nasa loob na ng Pilipinas.
Dapat aniyang higpitan ng NAIA at iba pang paliparan ang pagpasok ng mga dayuhan at mga Overseas Filipino Workers sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagka-quarantine sa mga ito pagdating sa nasabing paliparan. (Ulat ni Malou RongaleriosEscudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest