Encephalities B pasok na sa RP
July 4, 2003 | 12:00am
Nakapasok na sa bansa ang panibagong sakit na Japanese Encephalities B na tulad ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) mula sa Guandong, China matapos na tatlong katao ang nabiktima nito sa lalawigan ng Tarlac.
Ayon kay Dr. Enrique Tayag, Asst. Regional Director ng DOH sa Region 3, kinumpirma nito na mayroon ng tatlong biktima ng Encephalities B ang ginagamot sa Tarlac.
Gayunman, sinabi ni Tayag na dating hepe ng National Epedimiologist Center ng DOH na hindi pa maituturing na epidemya ang pagkakatala ng tatlong kaso ng Encepalities B na nakukuha ang virus sa kagat ng lamok, sa kanilang rehiyon.
Pinayuhan ang mga travelers mula sa China at Hong Kong na manatili muna sa kanilang bahay o magkulong kapag nakaramdam ng lagnat, sakit ng ulo at pagsusuka. Kapag malala na ay maaaring magkaroon ng hallucinations, problema sa pagsasalita at pandinig, double visions, memory loss at maaaring ma-comatose. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest