^

Bansa

40 Pinay sex-slave sa Malaysia

-
May 40 Pilipina ang kasalukuyang nakapiit at ginagawang sex slave sa isang casa sa Malaysia.

Dahil dito, hiniling kahapon ni Ilocos Norte Congresswoman Imee Marcos sa kinauukulang ahensya ng gobyerno na agad na gumawa ng aksyon upang masagip ang mga Pilipinang ibinebenta sa mga parokyano kapalit ng malaking halaga.

Nabunyag ang sinapit ng mga Pilipina matapos na humingi ng tulong kahapon sa isang himpilan ng radyo ang isa ring Pilipina na nakatakas mula sa pagkakakulong sa isang casa sa Malaysia.

Ayon sa biktima na hindi muna ibinunyag ang pangalan, mga kapwa Pilipino rin ang mga recruiters nila at pinangakuan silang bibigyan ng trabaho sa isang restaurant sa Malaysia.

Nabatid sa biktima na sa southern backdoor ng Pilipinas sila dumaan at limang beses muna silang sumakay ng bangka saka nagpalipat-lipat sa iba’t ibang isla patungong Malaysia.

Pagkarating aniya sa Malaysia, kasama ang isa pang biktima, agad silang dinala sa isang casa at ibinenta sa kung sinu-sinong lalaki.

Halos araw- araw umano silang ginagawang prostitutes at sinasaktan ang bawat babaing tumatangging sumama sa mga kustomer.

Bukod dito, halos wala umanong kinita ang nakatakas na biktima sa pagta-trabaho sa casa dahil kinailangan niyang bayaran ang sinasabing utang niya sa kanyang recruiters. Wala umano siyang ibinayad na placement fee bago lumabas ng bansa kaya kinaltas sa kanyang sahod ang pamasahe nito patungong Malaysia.Naiwan pa umano sa Malaysia ang may 40 Pilipina o higit pa at isa dito ay hipag ng biktima.

Hiniling ni Marcos kay Malaysian Ambassador Mohammad Taufik na imbestigahan ang nasabing pangyayari at tulungan ang mga Pinay na naiwan sa Malaysia.(Ulat ni Malou R. Escudero)

vuukle comment

AYON

BUKOD

DAHIL

HINILING

ILOCOS NORTE CONGRESSWOMAN IMEE MARCOS

MALAYSIA

MALAYSIAN AMBASSADOR MOHAMMAD TAUFIK

MALOU R

PILIPINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with