Palasyo naghugas-kamay sa pagkakalaglag sa Cuadro de Alas
June 30, 2003 | 12:00am
Agad kumambiyo ang Malacañang sa pagkakalaglag ng "Cuadro de Alas" sa kampanya laban sa iligal na droga at pag-entra ng tinaguriang "Junta Boys."
Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na hindi tuluyang inabandona ang Cuadro de Alas na kinabibilangan nina Sen. Robert Barbers, dating Manila Mayor Alfredo Lim, dating mga pulis na sina Lucio Margallo at Reynaldo Jaylo.
Ayon kay Bunye, kokonsultahin ang apat na ito at anuman ang ibibigay na tulong ay malugod na tatanggapin.
Iginiit ni Bunye na ipinatupad lamang ng Pangulo ang batas kung saan dapat na manguna ay ang Dangerous Drugs Board (DDB) bilang policy making body at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operational arm.
Nauna rito, ibinandera na si Barbers ang anti-drug czar samantala si Lim ang magsisilbing presidential adviser on illegal drugs subalit hindi pa man tuluyang nakakapag-umpisa ay naitsapuwera na.
Si Jaylo lamang ang nakatitiyak na mabibigyan ng posisyon bilang miyembro ng PEA board. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended