Kabayan Noli una sa survey
June 28, 2003 | 12:00am
Nanguna si Senador Noli de Castro sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa mga posibleng manalong kandidato sa presidente at pagka-bise presidente sa halalan sa 2004.
Ang SWS survey para sa Mayo 28-Hunyo 15, 2003 ay nagpapakitang si de Castro ay first choice sa pagka-pangulo sa botong 22%, kasunod niya si dating Education Secretary Raul Roco, 19%; pangatlo si Fernando Poe Jr, 16%; Pangulong Arroyo, 15%; Senador Panfilo Lacson, 12%; Ramon Magsaysay Jr., 4%; Loren Legarda, 3%; Aquilino Pimentel Jr., 2% at Teofisto Guingona, 1%.
Ipinakita rin sa survey na iba-iba ang paboritong kandidato sa apat na mga lugar na nasaklaw ng SWS survey. Si de Castro ay malakas sa Mindanao, 31%; Pangulong Arroyo sa Visayas, 31%; sa Luzon si Poe, 21%; at ang Metro Manila ay kay Roco, 33%.
Hindi naman kabado ang Malacañang sa resulta ng SWS survey dahil hindi naman daw talaga kakandidato si Pangulong Arroyo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended