Ang pahayag ay ginawa ni Lastimoso kaalinsabay ng mga pagbabagong sinimulan nang maipatupad sa mga tanggapan ng LTO kabilang na ang pag-extend sa oras ng trabaho ng mga tauhan para higit na mabigyan ng tunay na serbisyo publiko ang taumbayan.
Hinigpitan rin ang pagpapasok ng mga non-organic personnel sa LTO compound na noong una ay ang mga ito ang pinagmumulan ng mga nagkalat na fixers.
Patuloy ang computerization program na pinaiiral sa LTO na siyang armado ng ahensiya sa paglipol ng mga katiwalian sa ahensiya at higit na nagpapabilis sa serbisyo ng ahensiya sa taong bayan
"Sa loob ng dalawang linggo, puspusang ipatutupad ng ating pangasiwaan ang reporma sa ahensiya napasimulan na natin ang mga pagbabago sa LTO at ito ay magpapatuloy dahil ito po ang pangunahing adhikain ng pamahalaang Arroyo na layuning mabigyan ng tunay at tapat na serbisyo ang taong bayan," pahayag ni Lastimoso. (Ulat ni Angie dela Cruz)