Tinagubilinan ng Pangulo sina PDEA director General Anselmo Avenido, Sen. Robert Barbers, ex-Mayor Alfredo Lim, Capt. Reynaldo Jaylo at Maj. Lucio Margallo na ihanda na ang mga sarili sa malawakang kampanya laban sa droga at siguruhing hindi sila magsasapawan sa responsibilidad.
Ang direktiba ay kasunod ng mga kritisismo na maaaring magkasapawan ng tungkulin ang Philippine Drug Enforcement Agency at ang apat na bagong personalidad na hahawak sa lilikhaing anti-drug task force.
"I will demand a close consolidation of strategies, intelligence and resources, in other words, teamwork and synergy," anang Pangulo.
Para ganap na magtagumpay ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot, sinabi ng Pangulo na kailangang makiisa sa kampanya ang bawat isa.
Hindi lang anya sa isang tao nakasalalay ang laban sa droga kundi sa kooperasyon ng bawat isa at lahat ng ahensiya.
"Every Filipino has a stake in this total war to save our society," dagdag pa ng Presidente. (Ulat ni Lilia Tolentino)