^

Bansa

P1-B budget sa Voters Validation System kinuwestyon

-
Kinuwestyon kahapon ni Akbayan Rep. Etta Rosales ang P1 bilyong budget ng Commission on Elections (Comelec) para sa implementasyon ng Voter’s Validation System (VVS).

Ipinagtataka ni Rosales kung bakit aabot sa P1 bilyon ang pondo para sa VVS samantalang ang layunin lamang nito ay malinis ang ‘bloated’ na Computerized Voter’s List (CVLs).

Bagama’t kailangan aniyang malinis ang listahan ng mga botante, hindi naman ito dapat paglaanan nang nakapalaking halaga.

Wala aniyang statistical proof ang Comelec na magpapatunay na doble-doble ang listahan ng mga botante.

Iginiit naman ng Comelec, layunin ng VVS na tugunan ang problema ng double at multiple registration na nagagamit ng mga pulitiko tuwing may eleksyon. (Ulat ni Malou R. Escudero)

AKBAYAN REP

BAGAMA

COMELEC

COMPUTERIZED VOTER

ETTA ROSALES

IGINIIT

IPINAGTATAKA

KINUWESTYON

MALOU R

VALIDATION SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with