^

Bansa

Madugong eleksyon sa 2004 dapat pigilan

-
Nanawagan kahapon si Ilocos Norte Rep. Imee Marcos sa lahat ng mga presidentiables na lumagda sa isang peace covenant for peace upang maiwasan ang isang madugong eleksyon sa susunod na taon.

Aniya, dapat na pangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang paglagda ng peace covenant at hikayatin nito ang lahat ng mga nag-aambisyong pumalit sa kanyang puwesto na maiwasan ang madugong eleksyon.

"Tingnan mo ngayon ang mangyayari, hati-hati ang mga mamamayan dahil sa pulitika. Kaliwa’t kanan ang batikos sa executive at judiciary. Halos walang katahimikan ang Pilipinas," ani Marcos.

Partikular na dapat aniyang lumagda sa peace covenant sina Arroyo, Sen. Raul Roco, dating Amb. Eduardo Conjuangco Jr., Sen.Ramon Magsaysay Jr., Sen. Panfilo Lacson at Fernando Poe Jr.

Dapat aniyang mangako ang lahat ng mga lalagda sa kasunduan na magtutulungan sila upang masiguro na ang boses ng masa ang tunay na mangingibabaw sa isasagawang eleksyon.

Kailangan aniyang tumayong saksi sa lalagdaang peace covenant ang mga lider ng iba’t ibang simbahan, kinatawan ng Commission on Elections, media at PNP. (Ulat ni Malou R. Escudero)

ANIYA

EDUARDO CONJUANGCO JR.

FERNANDO POE JR.

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

MALOU R

PANFILO LACSON

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RAMON MAGSAYSAY JR.

RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with