Ang Oplan Paghahanda ay isang food security program na mabilis na namamahagi ng bigas sa panahon ng emergency, maging natural o gawa ng tao. Ito ay kumikilos sa pamamagitan ng mga Operation Centers (OPCEN) sa 14 regional at 89 provincial offices ng NFA, na nakikipag-ugnayan sa central office sa pagbabantay sa supply at presyo ng bigas sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng mga OPCEN, natutugunan agad ng NFA ang mga pangangailangan bago pa ito mangyari.
Para mabawasan ang red tape sa paglalabas ng stocks para sa relief purposes, pinayagan na ni NFA Administrator Arthur Yap ang kanyang mga field managers na buksan ang mga stocks sa ilalim ng volcani cube at CAST storage systems para sa mga emergency. (Ulat ni Angie dela Cruz)