^

Bansa

Sapat na bigas sa biktima ni 'Egay' tiniyak ng NFA

-
Tiniyak ni National Food Authority Isabela manager Carlito Co sa mga residente ng Palanan, Isabela na may 4,500 sako ng bigas na nakahandang ipamahagi sa mga biktima ng bagyong Egay sa ilalim ng Oplan Paghahanda ng ahensiya.

Ang Oplan Paghahanda ay isang food security program na mabilis na namamahagi ng bigas sa panahon ng emergency, maging natural o gawa ng tao. Ito ay kumikilos sa pamamagitan ng mga Operation Centers (OPCEN) sa 14 regional at 89 provincial offices ng NFA, na nakikipag-ugnayan sa central office sa pagbabantay sa supply at presyo ng bigas sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng mga OPCEN, natutugunan agad ng NFA ang mga pangangailangan bago pa ito mangyari.

Para mabawasan ang red tape sa paglalabas ng stocks para sa relief purposes, pinayagan na ni NFA Administrator Arthur Yap ang kanyang mga field managers na buksan ang mga stocks sa ilalim ng volcani cube at CAST storage systems para sa mga emergency. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ADMINISTRATOR ARTHUR YAP

ANG OPLAN PAGHAHANDA

ANGIE

CARLITO CO

CRUZ

EGAY

ISABELA

NATIONAL FOOD AUTHORITY ISABELA

OPERATION CENTERS

OPLAN PAGHAHANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with