Ito ay matapos ihayag ni Sen. Barbers na handa siyang magbitiw bilang senador sa sandaling italaga siya ni Pangulong Arroyo sa isang superbody na ang tanging tungkulin ay lutasin ang lumalalang suliranin ng bansa sa ipinagbabawal na droga.
Ikinalugod ng Pangulo ang taos-pusong alok ng senador at ang sakripisyo nito dahil ito ang siyang kailangan upang labanan ang iligal na droga.
Dahil dito, inatasan ng Pangulo si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Anselmo Avenido na makipag-ugnayan kay Barbers upang humingi ng operational instructions o directions.
Sinabi ni Sen. Barbers, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs, handa siyang isakripisyo ang kanyang political career malutas lamang niya ang drug trafficking. (Ulat nina Ely Saludar/Rudy Andal)