^

Bansa

Alok ni Sen. Barbers na maging anti-czar inaprub ni GMA

-
Tinanggap ni Pangulong Arroyo ang alok ni Senador Robert Barbers na tumulong sa kampanya sa iligal na droga, pero nilinaw ng Pangulo na hindi naman kailangang magbitiw si Barbers bilang senador dahil malaki ang maitutulong nito bilang pinuno ng Senate committee on illegal drugs.

Ito ay matapos ihayag ni Sen. Barbers na handa siyang magbitiw bilang senador sa sandaling italaga siya ni Pangulong Arroyo sa isang superbody na ang tanging tungkulin ay lutasin ang lumalalang suliranin ng bansa sa ipinagbabawal na droga.

Ikinalugod ng Pangulo ang taos-pusong alok ng senador at ang sakripisyo nito dahil ito ang siyang kailangan upang labanan ang iligal na droga.

Dahil dito, inatasan ng Pangulo si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Anselmo Avenido na makipag-ugnayan kay Barbers upang humingi ng operational instructions o directions.

Sinabi ni Sen. Barbers, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs, handa siyang isakripisyo ang kanyang political career malutas lamang niya ang drug trafficking. (Ulat nina Ely Saludar/Rudy Andal)

ANSELMO AVENIDO

DAHIL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ELY SALUDAR

IKINALUGOD

PANGULO

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SENADOR ROBERT BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with