^

Bansa

4 Pinoy patay sa sumabog na oil tanker

-
Apat na tripulanteng Pilipino ang kumpirmadong nasawi matapos na sumabog ang isang oil tanker sa karagatan ng United Arab Emirates habang naglilipat ito ng krudo sa isa pang oil tanker kamakalawa ng gabi.

Sa report na nakarating sa Department of Foregn Affairs, kinilala ang mga biktima na sina Domingo John Fernandez, Joney Marcelino, Joe Mahen Murial at Almi Omac, pawang mga tripulante ng MTF Sinos.

Habang sinusulat ang ulat na ito, tatlo sa mga biktima ang nakuha na ang mga bangkay sa Kurbacan Hospital habang ang isa ay kasalukuyan pang kinukuha sa ilalim ng barkong sumabog. Pawang mga Pilipino ang sakay ng MTF Sinos.

Naganap ang pagsabog dakong alas-3 ng hapon kamakalawa sa UAE (alas-7 ng gabi kamakalawa sa Pilipinas) habang ang MTF Sinos ay naglilipat ng krudo sa MT Cebu. Pag-aari umano ng isang Griyego ang MTF Sinos at nakarehistro ito sa Malta samantalang ang MT Cebu ay pag-aari ng Singapore Worldwide.

Bukod sa apat na nasawi, may mga Pilipino pang sugatan sa pagsabog ang hindi pa nakilala na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa iba’t ibang pagamutan.

Ayon kay Capt. Jimmy Milano, ng Inter-Orient Maritime Enterprise, employer ng mga biktima, may pitong milya ang layo ng dalawang barko sa baybayin ng UAE nang sumabog ang MTF Sinos.

Sinabi ni Milano na kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa kompanya ng barko para mapadali ang pagbabalik sa Pilipinas ng mga tripulanteng nasawi. (Ulat ni Ellen Fernando)

ALMI OMAC

CEBU

DEPARTMENT OF FOREGN AFFAIRS

DOMINGO JOHN FERNANDEZ

ELLEN FERNANDO

INTER-ORIENT MARITIME ENTERPRISE

JIMMY MILANO

PILIPINO

SINOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with