3 kidnaper todas; biktima patay din sa shootout
June 20, 2003 | 12:00am
CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga - Tatlong pinaghihinalaang miyembro ng kilabot na kidnap-for-ransom group at ang kinidnap ng mga itong babae ang napatay matapos magkabarilan sa isang checkpoint sa lalawigan ng Tarlac kamakalawa.
Sa ulat na isinumite ni Tarlac Provincial Police Office Chief Sr. Supt. Mario Sandiego kay Police Regional Office (PRO) 3 Director C/Supt. Vidal Querol, dalawa sa mga napatay na kidnapper ang kinilalang sina Ruel Gapasin, 25, ng Caloocan City at Ismael Adela.
Binawian naman ng buhay sa Tarlac Provincial Hospital matapos magtamo ng tama ng bala sa baba na tumagos sa ulo ang kidnap victim na si Letty Co Tan, negosyante at residente ng Parañaque City.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, alas-10 ng gabi kamakalawa ng magsagawa ng checkpoint ang mga operatiba ng Tarlac City Police at Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) hinggil sa impormasyon na dadaan sa Romulo highway Bgy. Tibag ang isang kinarnap na kulay pulang Toyota Lite ace van na may plakang ULK-341. Lingid sa mga operatiba ay may tangay na kidnap victim ang mga suspek.
Naispatan naman ng mga operatiba ang naturang van subalit ng makitang papalapit ang mga pulis ay agad nagpaputok ang mga suspek na lulan nito at saka binuwelta ang van sa palayan at inabandona ang sasakyan.
Kasunod nito, isang XLT jeepney na may plakang CRV-299 ang biglang sinagasa ang checkpoint habang nagpapaputok ang mga suspek na sakay nito. Apat sa sakay nito na armado ng M-16 at M-14 rifles ang bumaba at nakipagbarilan.
Tumagal ng halos dalawang oras ang "running gunbattle" at bangkay na bumulagta ang tatlong kidnapper. Natagpuan naman ang biktimang si Tan sa inabandonang jeep.
Bago ang pagkakapatay sa mga suspek ay sinasabing si Tan ay una nang binaril ng isa sa mga suspek dahil sa mga putok na narinig sa loob ng naturang sasakyan. May nakita ring marka na binigti ang biktima.
Nabatid na si Tan ay kinidnap sa Sucat, Parañaque noong Hunyo 17 ng gabi ng limang armadong lalaki. Nitong Miyerkules, Hunyo 18 ay nagkaroon ng negosasyon kung saan humingi ng P20 milyon ang mga kidnapper ngunit natawaran ng P10 milyon.
Napag-alaman pa na ang Lite Ace van na ginamit ng mga kidnapper ay pag-aari ng isang Gurnet Singh, isang Bombay na isa ring kidnap victim na dinukot noong Hunyo 9 sa Caloocan City.
Ni-release si Singh kinabukasan sa boundary ng Caloocan at Quezon City matapos magbigay ng P100,000 ransom pero kinuha ng mga kidnapper ang kanyang sasakyan.
Nabatid pa na matapos kidnapin si Singh, tumira uli ang grupo nitong Hunyo 12 at dinukot ang isang Mrs. Yu sa isang lugar sa Metro Manila. Pinakawalan din ito noong Hunyo 14 sa Nueva Ecija matapos magbayad ng P400,000 ransom.
Narekober sa crime scene ang isang caliber 9mm pistol, isang .45 kalibreng baril, isang .38 smith & Wesson revolver at mga basyo ng bala.
Patuloy na isinasagawa ang manhunt operations laban sa apat pang nakatakas na kidnapper. (Ulat nina Jeff Tombado at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended