Naglinya ang committee ng serye ng mga aktibidades para sa 40 araw na kapistahan na magtatapos sa unveiling ng historical market sa Setyembre 28 sa courtyard ng simbahan na kilala na bilang National Shrine of St. Michael and the Archangels. Sinabi ni Ambassador to Laos Antonio L. Cabangon Chua, overall chair ng committee, na nagpahayag ang First Gentleman ng full support sa pagdiriwang na ito. Winika ni Chua na binigyang diin din ni FG Arroyo ang kahalagahan ng nasabing okasyon.
Ang San Miguel ang kauna-unahang Parish sa bansa na dedicated sa Arkanghel. Itinayo ito noong taong 1603 bilang isang Franciscan community para sa mga Japanese Christians.