^

Bansa

Ika-400 taon ng San Miguel Parish pangungunahan ni FG Mike Arroyo

-
Pangungunahan ni First Gentleman Mike Arroyo bilang honorary chairman ng organizing committee ang pagdiriwang ng ika-apat na daang taong anibersaryo ng San Miguel Arkanghel Parish na sumasakop sa Malacañang at ilan sa mga pinakamatatandang paaralan sa bansa katulad ng San Beda College, Centro Escolar University, College of the Holy Spirit at V. Mapa High School.

Naglinya ang committee ng serye ng mga aktibidades para sa 40 araw na kapistahan na magtatapos sa unveiling ng historical market sa Setyembre 28 sa courtyard ng simbahan na kilala na bilang National Shrine of St. Michael and the Archangels. Sinabi ni Ambassador to Laos Antonio L. Cabangon Chua, overall chair ng committee, na nagpahayag ang First Gentleman ng full support sa pagdiriwang na ito. Winika ni Chua na binigyang diin din ni FG Arroyo ang kahalagahan ng nasabing okasyon.

Ang San Miguel ang kauna-unahang Parish sa bansa na dedicated sa Arkanghel. Itinayo ito noong taong 1603 bilang isang Franciscan community para sa mga Japanese Christians.

ANG SAN MIGUEL

CABANGON CHUA

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COLLEGE OF THE HOLY SPIRIT

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JAPANESE CHRISTIANS

LAOS ANTONIO L

MAPA HIGH SCHOOL

NATIONAL SHRINE OF ST. MICHAEL AND THE ARCHANGELS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with