^

Bansa

Al-Ghozi itinuro ng kasama sa LRT bombing

-
Tiyak nang maisusulong ang mga kasong kriminal laban kay Indonesian terrorist Fathur Al-Ghozi makaraang positibong ituro ng kasamahan nito matapos pagharapin ang dalawa sa isinagawang preliminary investigation kahapon sa Department of Justice (DOJ).

Sinampahan sina Al-Ghozi at Mukles Yunos ng kasong multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder kung saan positibong kinilala ng huli ang una na siyang nag-utos sa kanya na magtanim ng bomba sa Light Rail Transit (MLRT) noong Rizal Day, December 30, 2000.

Ibinunyag rin ni Mukles ang iba’t ibang alias na ginagamit ni Al-Ghozi at mga partisipasyon nito sa pambobomba kaya hindi agad nasasakote ng mga awtoridad.

Si Al-Ghozi ang siyang nagsasagawa ng switch ng mga bombang itinatanim at ang nagre-repack sa mga kahon ng bomba habang si Mukles ang gumagawa ng mga wirings ng bomba.

Binigyan naman ng DOJ panel opf prosecution ng hanggang Hulyo 2 si Al-Ghozi para magsumite ng kanyang reply hinggil sa alegasyon laban sa kanya.

Sinabi naman ng prosecution na malaki ang naitulong ng ginawang pagtuturo ng harapan ni Mukles kay Al-Ghozi dahil dito magkakaroon ng matibay na ebidensiya ang DOJ para maisulong ang nasabing mga kaso. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AL-GHOZI

BINIGYAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

FATHUR AL-GHOZI

LIGHT RAIL TRANSIT

MUKLES

MUKLES YUNOS

RIZAL DAY

SI AL-GHOZI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with