Walang phaseout sa 2-stroke motorbikes
June 17, 2003 | 12:00am
Pinal na!
Hindi na dapat pang mangamba ang may 1.7 milyong tricycle drivers sa bansa matapos tiyakin kahapon ni Senator Robert Jaworski na hinding-hindi ipe-phaseout ang 2-stroke na motorsiklo sa bansa lalot hindi ito lumalabag sa ipinatutupad na Clean Air Act ng pamahalaan.
Ayon kay Jaworski, hindi totoo ang naunang naglabasang report na hindi irerehistro o huhulihin ang sinumang tsuper na nagmamaneho ng motorsiklong may 2-stroke engine. Tiniyak nito na hindi maaapektuhan ang pasada ng mga tricyle na may 2-stroke ang makina at wala anyang magaganap na phaseout.
Dahil sa mga naglabasang ulat, milyong bilang ng mga tricycle drivers sa bansa ang nagpaplanong maglunsad ng tigil-pasada. Inaasahan namang hindi na ito matutuloy.
Kamakailan ay ipinatawag ni Jaworski sina Land Transportation Office (LTO) Secretary Roberto Lastimoso at DOTC Undersecretary Arturo Valdez para pagpaliwanagin hinggil sa sumbong na "phaseout" ngunit naliwanagan ang isyung ito sa joint Senate and Congressional oversight committee.
Sa paliwanag ni Lastimoso, may ilang grupo lamang ang nais sumabotahe sa ipinatutupad na Republic Act 8749 o lalong kilala sa Clean Air Act.
Ikinatuwa naman ni Ariel Lim, presidente ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP), ang naturang katiyakan na aniyay mag-aalis ng pangamba sa milyong bilang niyang kasamahan dahil na rin sa takot na mawalan sila ng hanapbuhay.
Ilang tricyle dealers rin sa bansa ang umamin na naapektuhan ang kanilang benta kamakailan bunga ng lumabas na maling balita.
Sa press conference sa Makati city kahapon, sinabi ni Manuel Gaspar Albos, senior vice-president for marketing ng Norkis Trading, kung magiging sinsinan lamang ang kampanya ng pamahalaan hinggil sa Clean Air Act, mas marumi umano ang usok na nagmumula sa mga sasakyang pang-diesel kumpara sa mga motorsiklo sa lansangan.(Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest