^

Bansa

Kaso ni Bishop Yalung idinulog kay Sin

-
Humingi na ng tulong sa tanggapan ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin ang isang negosyante upang hilingin na aksyunan at tapusin na ang labanang legal sa pagitan nito at ni Antipolo Bishop Crisostomo Yalung.

Bukod sa kasong ‘maliscious mischief’, nasangkot din si Bishop Yalung sa isang iskandalo matapos na maanakan umano nito ang isang parishioner.

Bukod kay Novaliches Bishop Teodoro Bacani na kasalukuyang nasasangkot sa sex scandal, isa rin sa sinasabing kandidato na maaaring pumalit sa puwesto ni Sin na magreretiro sa Agosto 31 ay si Yalung.

Dahil dito, hiniling ni Quin Baterna, pangulo ng Limitless Potentials Inc. kay Cardinal Sin na makialam na sa kaso na isinampa ng nasabing kompanya laban kay Yalung na umaabot na sa anim na taon sa korte bunga ng umano’y dilatory tactics ng abogado ng pari na nagsisilbing kinatawan ng simbahang Katoliko.

Sinampahan ng Limitless Potential, isang advertising company si Yalung sa Makati Municipal Trial Court dahil sa umano’y "malicious destruction" ng mga billboards ng nasabing kompanya sa San Carlos Seminary sa EDSA, Guadalupe noong l996.

Samantala, nagsagawa ng prayer rally kamakalawa ng gabi ang religious group na El Shaddai sa pangunguna ng kanilang leader na si Mike Velarde sa Parañaque City bilang suporta kay Bishop Bacani na nahaharap sa kasongsexual harassment.

Sinabi ni Velarde na sa kasalukuyan, hindi pa niya nakakausap si Bacani at ng nagreklamong sekretarya nito subalit naniniwala sila na walang kasalanan si Bishop Bacani na siya ring tagapagsalita ng El Shaddai.

May 100 pari mula sa iba’t ibang pastoral group at diocese ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Bacani. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANTIPOLO BISHOP CRISOSTOMO YALUNG

BACANI

BISHOP BACANI

BISHOP YALUNG

BUKOD

CARDINAL SIN

EL SHADDAI

ELLEN FERNANDO

LIMITLESS POTENTIAL

LIMITLESS POTENTIALS INC

YALUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with