^

Bansa

"GMA walang kinalaman sa pulitika"

-
Wala akong kinalaman sa pulitika."

Ito ang mariing itinanggi ni First Gentleman Miguel "Mike" Arroyo na may kinalaman siya sa malakas na ugong mula sa iba’t ibang sektor na tumakbo sa 2004 elections ang kanyang asawa na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Iginiit ni G. Arroyo na mas gugustuhin pa niya ang magkaroon ng pribadong buhay bilang ordinaryong mamamayan.

"I want to spend quality time with my grandchild Mikaela" ani G. Arroyo.

Pero hindi naman umano niya masisisi ang iba’t ibang sektor at mga personalidad sa Pilipinas at sa ibang bansa na hilinging tumakbo si Gng. Arroyo sa 2004 elections.

Aniya, makikita naman ang matatag na liderato ni Gng. Arroyo at kung paano siya naninindigan na sugpuin ang terorismo.

Gayunman, aminado si G. Arroyo na mahirap siyang makaiwas sa mga intriga bilang First Gentleman, ngunit iginiit niya na magagamit niya ang atensyong ito para makatulong sa Philippine sports.

Sa pamamagitan ng FG Foundation, nilalayon ng First Gentleman na makamit ng bansa ang First Filipino Olympic Gold, lalung-lalo na sa mga non-traditional sports tulad ng wushu, billiards, taekwondo, shooting at chess.

Tinatayang sa chess na pinakamalaganap na laro sa bansa maaaring magtamo ang Pilipinas ng gold medal sa darating na SEA Games kung saan ang chess ay kabilang na sa mga medal sports. Matatandaang ang Pilipinong si Eugene Torre ang kauna-unahang chess grand master sa buong Asya.

Sa kasalukuyan ay binabalangkas na ng FG Foundation sa pamamagitan ng project consultant nito na si Rod Nepomuceno at ng mga sports associations ang sistema para maibahagi ang tulong pinansyal at training sa mga atletang may potensyal. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ARROYO

EUGENE TORRE

FIRST FILIPINO OLYMPIC GOLD

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIGUEL

GNG

LILIA TOLENTINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PILIPINAS

ROD NEPOMUCENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with