Ginawa ito ni Barbers matapos sumulat sa kanya ang walong overseas Filipino workers (OFWs) na kasalukuyang nakakulong sa ibat-ibang piitan ng Hong Kong Special Administrative Region at humingi ng tulong upang maipatupad ang nasabing tratado.
Nais ng mga nakakulong na OFWs na sina Maria Remedios Coady, Luis Macatangay, Orlando Pagatpatan, Mario delos Reyes, Renato Tandoc at Felipe Castañeda na mailipat sila ng kulungan sa Pilipinas upang madalaw ng mga kamag-anak.
Hindi naman binanggit sa sulat nila kung anong kaso ang kinasangkutan ng mga ito.
Sa ipinadalang liham ni Barbers kay Ople, inusisa ng mambabatas na kung umiiral na ang nasabing tratado, dapat umanong ilipat na ng kulungan ang anim na OFWs sa ilalim ng Prisoners Exchange Program (PEP) ng Hong Kong. (Ulat ni Rudy Andal)