^

Bansa

Anomalya sa lupa nabisto

-
Ibinunyag kahapon ng mga land-owner ng Bulacan ang umano’y sabwatan ng ilang ahensiya ng pamahalaan at mga private developer hinggil sa pagkamkam ng mga lupain sa nabanggit na lalawigan.

Sa pahayag ni Mrs. Victoria Cabral ng Meycauayan, Bulacan, land-owner ng 20,000 square meters (2 hectares) na lupain na nasa bahagi ng Lambakin, Marilao, Bulacan at isa sa umano’y nabiktima, pinepeke umano ang mga papeles ng mga lupa upang maging agricultural area ang mga industrial and residential zones nang sa gayon, sa pamamagitan naman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng pamahalaan ay makuha naman sa tunay na nagmamay-ari.

Sa pahayag ni Mrs. Cabral, ang kanyang lupain ay nasa ilalim ng Operation Land Transfer ng namayapa nang si Quintin Bernardo. Noong nakaraang Hunyo 1999 sa pamamagitan ng isang nagngangalang Fortunato Bernardo, attorney-in-fact ni Quintin Bernardo, ay nagkaroon ng joint venture agreement sa dalawang binanggit na developer at dinebelop ang nabanggit na lupain kung saan ginawang subdivision na siyang ibinebenta sa mga potential buyers.

Nang makarating sa kaalaman ni Cabral ay agad itong humingi ng assistance sa Department of Agrarian Reform (DAR) na kaagad namang nagbigay ng "ceased and deceased order" upang matigil ang operasyon ng mga naturang debeloper. Subalit hindi anya nangyari ito at tuluyang ibinenta ang naturang property na siya naman umanong kinunsinti ng DAR. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BULACAN

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

FORTUNATO BERNARDO

MRS. CABRAL

MRS. VICTORIA CABRAL

OPERATION LAND TRANSFER

QUINTIN BERNARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with