8 Pinoy hostage sa Liberia
June 14, 2003 | 12:00am
Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walong Pilipino ang kabilang sa mga dayuhang bihag ngayon ng mga rebelde sa West African country sa Liberia.
Ayon sa DFA, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Vatican-based religious order sa Liberian capital na walong Pilipino ang kasalukuyang hostage doon.
Magugunita na kamakailan ay dalawang Pilipino lamang ang iniulat na bihag sa Liberia.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Nigeria Masaranga Umpa, iniulat sa kanya ng Lebanese Ambassador sa Liberia na ang lahat ng mga Pilipinong bihag ay nasa maayos na kondisyon habang nasa kamay ng mga rebelde.
Dahil sa pagbihag sa mga Pilipino, iniutos ng DFA sa mga manggagawang Pilipino doon na umalis sa Liberia dahil sa mga nagaganap na kaguluhan doon kabilang na ang mga pagdaraos ng mga civil strikes.
Nagpadala na ang pamahalaan sa Liberia ng 4-man consular team upang alamin ang nasabing ulat at tingnan ang mga kalagayan ng mga Pilipinong bihag ng mga rebeldeng Liberian United for Reconciliation and Democracy sa Monrovia.
Humingi na rin ng tulong ang Pilipinas sa Economic Community of West African States.
Sinabi ng DFA na walang pondo ang DFA para sa $100,000 na hinihinging ransom ng mga hostage-taker para sa kalayaan ng mga Pilipinong bihag. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended