Pinuna ni Velarde ang nakabibinging katahimikan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa kinakaharap na kontrobersiya ni Bacani.
Ayon dito, kung ayaw umanong tumulong ng mga obispo, ang El Shaddai ang lalaban para kay Bacani.
Nabuhayan naman ng loob si Bacani sa pag-ulan ng suporta sa kanya at gusto na umano nitong umuwi sa Pilipinas para harapin ang eskandalo at ipagtanggol ang kanyang sarili.
Gayunman, kailangan ang pahintulot dito ng simbahan.