Antonio bagong Pangulo ng NPC

Nanalo sa ginanap na eleksyon kamakalawa bilang bagong pangulo ng National Press Club ang standard bearer ng reporm party si Antonio Antonio, provincial editor ng Manila Bulletin laban kay Anthony Giron ng Tempo.

Ang eleksyon ay itinakda mula sa pamamahala ni Judge Artemio S. Tipon ng Manila Regional Trial Court Branch 46 matapos na maghain ang grupo ni Giron ng Temporary Restraining Order sa nasabing korte na ipinalabas naman ng nasabing hukom noong Abril 30, ilang araw lamang bago ganapin ang NPC election na dapat ay Mayo 4.

Ang running mate ni Antonio na si Alice Reyes ng Journal Group of Publications ang nanalo bilang Bise Presidente laban kay Amor Virata ng Remate.

Sina Roman Floresca, asst. business editor ng Philippine Star ang hinalal na bagong Secretary; re-electionist Jimmy Cheng (United Daily News), Treasurer at 12th time winner Sanny Galvez (Manila Bulletin), bilang Auditor.

Naging topnotcher sa director si Chief Supt. Cris Maralit na lifetime member. Kasama sa mga director na nahalal sina Pat Sigue, editor ng RP Daily Expose; Joey Venancio, Publisher ng Saksi; Sunny Mallari, Publisher ng Sunny Publishing, Dennis Fetalino, Editor ng Journal Group; Benjie Murillo ng Manila Newswatch; Dennis Inigo, sports editor ng Balita; Yoyoy Alano, sports editor ng Banat at Domeng Panganiban ng Taliba.

Iprinoklama ang mga bagong opisyal ni COMELEC Chairman Rosario Inez-Pinzon, clerk of court ni Judge Tipon matapos ang pagbibilang ng boto kahapon ng madaling-araw. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments