Kasabay nito, bilang reaksiyon niya sa tila urong-sulong na postura ng gobyerno sa pakikipagharap sa MILF ay nanawagan din si Honasan kay Pangulong Arroyo na ipakita ang mas matigas na pamumuno sa kanyang mga opisyal na naatasang hanapan ng lunas ang sigalot sa Mindanao.
"Kung talagang tapat ang MILF sa kanilang pahayag na gusto nila ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao, kailangan nilang parusahan ang kanilang mga puwersang umatake sa mga sibilyang pamayanan tulad ng kanilang ginawa sa Siocon, Zamboanga del Norte at sa Maigo, Lanao del Norte. Gayundin, yung mga sumasali o kinukunsinti ang mga kriminalidad ng Abu Sayyaf at Pentagon Gang," wika ni Honasan, dating combat military officer sa Mindanao na ngayon ay aktibong peace advocate, sa isang interview.