Sinabi ni Sen. Oreta, may pangamba din siyang gamitin sa ibang bagay ng Malacañang ang pondo ng PCSO na posibleng makaapekto sa Early Childhood Care and Development Program kung saan dito dumedepende ng pondo ito.
Ayon kay Oreta, inaprubahan na umano ng Development Budget Coordinating Committee ang nasabing plano upang ipasok na ito sa Kongreso upang maisabatas.
Aniya, ang planong ito ay baka lalo lamang magpalala sa problema ng pondo ng gobyerno sa ilalim ng sentralisadong burukrasya at lalong magdurusa ang mga batayang serbisyong pang-masa na ngayon pa nga lamang ay nagdurusa na.
Iginiit pa nito na isang estratehiya rin ito ng Arroyo government para ibaba ang kakulangan sa pondo ng gobyerno sa P197 bilyon sa kumakatawan sa .2 percent ng gross domestic product.
Iginiit pa ni Oreta na kanyang haharangin ang planong ito ng gobyerno na kontrolin ang pondo ng dalawang ahensya ng pamahalaan upang hindi maapektuhan ang mga programang umaasa ng pondo sa PCSO at PAGCOR. (Ulat ni Rudy Andal)