^

Bansa

Pag-kontrol ng Palasyo sa pondo ng PCSO at PAGCOR binatikos

-
Kinuwestyon kahapon ni Sen. Tessie Aquino-Oreta ang plano ng Malacañang na kontrolin ang pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Phil. Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa pangambang gamitin ito sa pagsusulong ng propaganda ni Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Sen. Oreta, may pangamba din siyang gamitin sa ibang bagay ng Malacañang ang pondo ng PCSO na posibleng makaapekto sa Early Childhood Care and Development Program kung saan dito dumedepende ng pondo ito.

Ayon kay Oreta, inaprubahan na umano ng Development Budget Coordinating Committee ang nasabing plano upang ipasok na ito sa Kongreso upang maisabatas.

Aniya, ang planong ito ay baka lalo lamang magpalala sa problema ng pondo ng gobyerno sa ilalim ng sentralisadong burukrasya at lalong magdurusa ang mga batayang serbisyong pang-masa na ngayon pa nga lamang ay nagdurusa na.

Iginiit pa nito na isang estratehiya rin ito ng Arroyo government para ibaba ang kakulangan sa pondo ng gobyerno sa P197 bilyon sa kumakatawan sa .2 percent ng gross domestic product.

Iginiit pa ni Oreta na kanyang haharangin ang planong ito ng gobyerno na kontrolin ang pondo ng dalawang ahensya ng pamahalaan upang hindi maapektuhan ang mga programang umaasa ng pondo sa PCSO at PAGCOR. (Ulat ni Rudy Andal)

DEVELOPMENT BUDGET COORDINATING COMMITTEE

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT PROGRAM

GAMING CORPORATION

IGINIIT

MALACA

ORETA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PONDO

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with