^

Bansa

Bishop Bacani nag-resign sa sex scandal

-
Humingi ng paumanhin at nagbitiw sa tungkulin si Roman Catholic Bishop Teodoro Bacani matapos na akusahan ng kanyang sekretarya ng sexual misconduct, ang pinakahuling sex scandal sa bansa na siyang nagpababa sa dominanteng relihiyong Romano Katoliko.

Si Bacani na tumulong at nanguna sa kampanya laban sa diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1980s ay nagpalabas ng kanyang pahayag na humihingi ng paumanhin sa mga pari, mga tagasuporta at sa kanyang sekretarya na base sa report ay kanyang inabuso.

"I want to let you know that I am deeply sorry for the consequences of any inappropriate expression of affection to my secretary," ani Bacani.

Si Bacani, 63, ay tumatayong pinuno ng Novaliches diocese sa Metropolitan Manila at kinilala siya ng mga mahihirap na pamilya dahil sa mga nakahandang ngiti nito at charisma.

Sinabi ni Bacani na ipinarating na niya sa kinatawan ng Papal sa Pilipinas ang kanyang paliwanag at panig hinggil sa nasabing akusasyon.

"I have put myself in the hands of the church, ready to leave the diocese if necessary for her good, and I am now taking ample time for rest and prayer in solitude," dagdag ni Bacani.

"I beg the Lord again for mercy. I also ask pardon of Mother Church, and all of you and my secretary, who felt hurt," pahayag ni Bacani matapos na mag-leave ito upang magpahinga.

Sinabi naman ni Rev. Romulo Ranada, tagapagsalita ni Bacani na walang malisya ang mga aksyon ni Bacani at pinabulaanan nito ang akusasyong sexual harrasment sa kanyang sekretarya.

Sinabi nito na ang Vatican na nag-appoint sa Phil. Bishop sa local diocese ay kasalukuyan nang tinitingnan ang nasabing alegasyon na nagpagitla sa buong simbahang Katoliko at mga deboto nito.

vuukle comment

BACANI

HUMINGI

METROPOLITAN MANILA

MOTHER CHURCH

PANGULONG FERDINAND MARCOS

ROMAN CATHOLIC BISHOP TEODORO BACANI

ROMANO KATOLIKO

ROMULO RANADA

SI BACANI

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with