Travel ban ng Lebanon at Turkey inalis na
June 8, 2003 | 12:00am
Tinanggal na rin ng Lebanon at Turkey ang kanilang ban at iba pang restrictions sa pagpasok ng mga Pilipino sa kanilang mga bansa dahil sa SARS.
Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople na ni-lift na ng Lebanon at Turkey ang kanilang ipinatupad noon na pagbabawal sa pagpasok ng mga Pilipino sa kanilang mga bansa dahil sa takot na magdadala ang mga ito ng SARS.
Magugunita na naunang nag-lift ng kanilang travel ban ang bansang Libya, Kuwait at Australia.
Bagaman inalis na ang Pilipinas sa World Health Organization (WHO) sa kanilang listahan ng mga bansa na may mga huling kaso ng SARS, may ulat sa embahada ng Pilipinas na nagpapakitang may posibilidad para sa de-listed country na muling mapasama sa kanilang listahan.
Ayon kay RP Ambassador to Kuwait Bayani Mangibin, ang Kuwaiti Ministry of Foreign Affairs ay nagpalabas ng isang circular na nagsasabi sa lahat ng diplomatic at consular missions sa Kuwait na huwag papasukin sa kanilang bansa ang sinumang Canadian mula sa Toronto na nagnanais na pumasok doon. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am