^

Bansa

3 MILF lasog sa sariling bomba

-
Nasilat ang bagong plano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Lost Command na bombahin ang isang commercial district sa Cotabato City makaraang sumabog ng wala sa oras ang ina-assemble na bomba na ikinamatay ng tatlong bomb expert.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Bobby Kamdan habang kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang iba pa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Police Regional Office (PRO) ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM), kasalukuyan umanong nagkukubli sa nasabing lugar ang grupo ni MILF Lost Command Commander Manda alyas Commander Boy Timaco kasama ang apat nitong tauhan na kinabibilangan ng nasawi at gumagawa ng Improvised Explosive Device (IED).

Habang ina-assemble ang nasabing bomba sa isang bakanteng lote ay bigla na lamang itong sumambulat bunsod upang masawi ang tatlo.

Nakapuslit naman si Commander Manda kasama ang isa pa nitong tauhan bago pa dumating ang mga nagrespondeng elemento ng Explosives and Ordnance team ng pulisya at militar.

Isang hot pursuit operations na ang isinagawa laban sa grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

BOBBY KAMDAN

COMMANDER BOY TIMACO

COMMANDER MANDA

COTABATO CITY

EXPLOSIVES AND ORDNANCE

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

JOY CANTOS

LOST COMMAND

LOST COMMAND COMMANDER MANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with