Sinabi ni Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen na dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga taong inaakusahan na nagsabwatan sa pagpapatalsik kay Estrada na malinis ang kanilang mga pangalan lalo na ang mga SC justices.
Wala na umanong maniniwala sa hudikatura kung hindi mabibigyan ng pagkakataon ang mga mahistrado na marinig ang kanilang panig.
Ipinaliwanag ni Dilangalen na wala silang personal na agenda sa pagsusulong ng impeachment complaint laban sa mga justices dahil nais lamang nilang maibalik ang rule of law na nawala aniya ng patalsikin sa puwesto si Estrada.
Matagal na aniya siyang hinihikayat na i-endorso ang impeachment complaint na ihahain sana ng isang grupo laban sa mga SC justices subalit tinanggihan niya ito dahil ayaw niyang maakusahan na siyay namumulitika.
Pero nang lumabas aniya ang libro ni Justice Artemio Panganiban na may pamagat na "Reforming the Judiciary" kung saan inamin umano nito na nagkaroon ng sabwatan sa pagpapatalsik kay Estrada ay nagdesisyon siya na iindorso ang reklamo na inihain ng kampo ng dating pangulo. (Ulat ni MEscudero)