Batas vs paninigarilyo pasado na
June 5, 2003 | 12:00am
Lagda na lamang ni Pangulong Arroyo ang kailangan upang maging isang ganap na batas ang panukalang paghihigpit sa paninigarilyo.
Ito ay matapos pumasa sa bicameral conference committee ang nasabing panukala na tuluyang magbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga bata.
Hindi na rin papayagan ang mga menor-de-edad na magbenta ng sigarilyo at hindi na rin maaaring manigarilyo sa mga pampublikong lugar katulad ng eskuwelahan at ospital.
Mananagot na sa batas ang mga magulang na mag-uutos sa kanilang mga anak na paslit na bumili ng sigarilyo maging ang cigarette vendors na nagtitinda sa mga lansangan ay ipagbabawal na rin.
Bukod dito, ire-regulate din nito ang paggamit, pagbebenta at pag-aanunsiyo ng sigarilyo at iba pang tobacco products.
Kinakailangan na ring maglagay ng health warnings sa labas ng pakete ng mga sigarilyo simula sa Enero 2004. Ang naturang health warnings ay kinakailangang nakalagay sa 50 porsiyentong bahagi sa harapan ng pakete mula 2004 hanggang June 30, 2006 at pagkatapos ay papayagan itong ilagay sa ilalim na bahagi.
Kinakailangan din ilagay sa pakete ang "no sale to minors" o "not for sale to minors."
Sa kabilang dako, dala na rin ng inaasahang epekto nito sa ma magsasaka ng tabako, magbubuo naman ng Tobacco Growers and Cigarette Factory Workers Assistance Program bilang tulong sa mga ito.
Sa ilalim ng program, ang mga magsasaka ng tabako at trabahador ng pagawaan ng sigarilyo ay bibigyan ng tulong pinansiyal. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest