^

Bansa

Labi ng 3 OFWs sa Riyadh bombing dumating

-
Dumating na kahapon ang mga labi ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na naging biktima ng pagsabog sa Riyadh, Saudi Arabia noong Mayo 12.

Alas-3:45 ng hapon ng lumapag ang PAL flight PR569 sa NAIA sakay ang mga bangkay nina Getulio Templo, Serafin Hernandez at Rogelio Pababero kasama si Special Envoy to the Gulf Cooperation Council Amable Aguiluz V. Si Aguiluz ay nagtungo kamakailan sa Riyadh base sa direktiba ni Pangulong Arroyo upang personal na pangasiwaan ang pagkuha ng mga benepisyo ng mga nasawi.

Nakakuha naman si Aguiluz ng karagdagang benepisyo para kay Pababero mula sa kanyang employer na Jadawell na iniulat kamakailan na hindi pinapasahod ng anim na buwan.

Sinabi ni Aguiluz na tiniyak ng Jadawell na makakatanggap ng P22,000 buwanan at habambuhay na pension ang asawa ni Pababero at dalawang taong kabuuang sahod nito na nagkakahalaga ng halos P.5 milyon.

Sa pagdating ni Aguiluz sa NAIA, inianunsiyo rin nito ang pagbibigay nito ng donasyon na P100,000 sa bawat pamilya ng mga naulilang pamilya nina Templo at Hernandez na sumalubong sa mga nasawi.

Kabilang sa sumalubong si Pampanga Vice Gov. at Presidential son Mikee Arroyo, mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration. (Ulat ni Ellen Fernando)

AGUILUZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

GETULIO TEMPLO

GULF COOPERATION COUNCIL AMABLE AGUILUZ V

JADAWELL

MIKEE ARROYO

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PABABERO

PAMPANGA VICE GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with